luneta



mamasyal ka sa aking mundo.
kung gusto mong magpakalayo.
hawakan ang mga kamay ko
sa kisapmata¡¦y maglalaho.







ang bawat salitang di ko masabi'y dinaraan ko na lang sa buntunghininga
ang bawat pag-guho ng mundo'y dumadaloy na lang sa pagtulala
ang kabaliwang angkin ay nalulunod na lamang sa lalim ng aking mga mata
pinagta-tagpi-tagpi ang sarili sa kapangyarihan ng mga tula.


These Words I Write Keep Me from Total Madness
:: Charles Bukowski ::




Wednesday, May 30, 2007
::HINDI KO NAMAN KAYO IIWANAN::

 

 

ito na ang huling marka ng paglalakbay ko

dito sa luneta.

pero--hindi ko naman kayo iiwanan.:)

 

 

patuloy pa rin ang pag-inog ng aking mundo sa

www.toiluna.blogdrive.com

 

 

hayaan niyong ibahagi ko sa inyo ang isang akdang naisulat

ni Kimpot sa http://ilovethetalking.blogspot.com/

 

hindi ko personal na kilala si Kimpot,

pero matapos kong mabasa ang sinulat niya,

pakiwari ko'y matagal na kaming magkaibigan.

nakakataba ng puso at nagbigay ng ngiti sa aking mukha

ang naisulat niyang ito.

 

 

 

 

 

dalawin niyo rin ang mundo niya sa

99redballoonsgoby.blogdrive.com.

maraming salamat, Kimpot!  mabuhay ka!

 

 

 

 

 

 


 

I have a theory that every time you make an important choice,

the part of you left behind continues the other life you could have had.

 

Some people's emanations are very strong. 

Some people create themselves afresh outside of their own body.

 

There's a chance that I'm not here at all, that all the parts of me,

running along all the choices I did and didn't make,

for a moment brush against each other.

 

Jeanette Winterson

 


 

 

 

 

 

 

 

 


naisulat noong ika-01:41 am ni toi raquiza
(6) ang naligaw at nawala  




Monday, April 23, 2007
YOU

 

 

Uninvited, the thought of you stayed too late in my head.
so I went to bed, dreaming you hard, hard, woke with your name,
like tears, soft, salt, on my lips, the sound of its bright syllables
like a charm, like a spell.

 


Falling in love
is glamorous hell: the crouched, parched heart
like a tiger, ready to kill; a flame¡¦s fierce licks under the skin.
into my life, larger than life, you strolled in.


I hid in my ordinary days, in the long grass of routine,
in my camouflage rooms. You sprawled in my gaze,
staring back from anyone¡¦s face, from the shape of a cloud,
from the pining, earth-struck moon which gapes at me


as I open the bedroom door. The curtains stir. There you are
on the bed, like gift, like a touchable dream.

 

 

 

 

 

YOU: a poem by CAROL ANN DUFFY

 

 

 

 

 

 



currently listening to:
Here with Me
By Dido


LSS: I try
On How Life Is
By Macy Gray


currently reading:
To Kill a Mockingbird
By Harper Lee



naisulat noong ika-10:24 pm ni toi raquiza
(4) ang naligaw at nawala  




Saturday, April 21, 2007
mi amiga

 

 

photo from My Summer of Love

 

 

We are friends and I do like to pass the day with you in serious and inconsequential chatter. I wouldn't mind washing up beside you, dusting beside you, reading the back half of the paper while you read the front. We are friends and I would miss you, do miss you and think of you very often.

 

When I think of losing her, I’d like to drown both of us into the lonely seas, than consider myself a beast with no friend.

 


-
Jeanette Winterson

 

 

 

 

 

 


naisulat noong ika-10:30 pm ni toi raquiza
(4) ang naligaw at nawala  




Tuesday, April 10, 2007
sinong 'di mapapasayaw sa ulan?

 

            ang aking damdamin

            pinaglalaruan ng baliw

            at ng ulanJ

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 





listen to: The Dance by Barbie's Cradle
The Singles (With VCD) - Philippine Tagalog Music CD




naisulat noong ika-09:26 pm ni toi raquiza
(2) ang naligaw at nawala  




Sunday, April 08, 2007
hiling

 

photo from VIRGIN SUICIDES (a film by Sofia Coppola)

 

 

 

sana'y dumating na mga umagang mahinahon at payapa.  na sana'y wala ng bagabag sa damdamin sa pagmulat ng aking mga mata.  na sana'y sumapit na rin ang mga gabing tahimik at maginhawa.  at sa pagkahimbing, mga bangungot sana ay wala na.

 

 

sana'y mawala na ang sakit na kumakapit sa puso.  at sana'y mabura na ang nagdagtang pait na dulot nito.  sana'y humupa na ang lungkot na nagbaha sa aking mga mata.  at tumigil na rin ang pagbuhos ng ulan-ulang luha.

 

 

sana'y makahinga na ako ng malalim.  at sana'y hindi na magupo ng kahinaan at panimdim.  sana'y huminto muna kahit saglit ang kabaliwan ko dahil hindi naman maititigil ang pag-ikot ng mundo.  sana'y manumbalik na muli ang mga nakasanayan kong ngiti.  kahit at kesyo pa nandiyan ka o hindi.

 

 

 

 

 

 


naisulat noong ika-01:20 am ni toi raquiza
(2) ang naligaw at nawala  




Thursday, April 05, 2007
::let's re-arrange::

 

I wish you were a stranger

I can disengage...

 

 

 

 

 

 

title and line from the song:

OVER MY HEAD

The Fray

 

DETACHMENT I:

Art by CHARLOTTE KROG

www.charlottekrog.com

 

 

 

 


naisulat noong ika-10:19 pm ni toi raquiza
kamusta ang pag-gala?  




Wednesday, March 21, 2007
alingawgaw

 

ECHOES; art by John Russell

 

lahat ng ikilos ko at hindi ko gawin

lahat ng gusto kong kalimutan at hindi isipin

lahat ng paniwalaan kong gusto kong burahin

repleksyong tinatapong pabalik sa salamin

 

lahat ng ayaw ko nang maramdaman

lahat ng maaaring gusto ko nang iwasan

lahat ng mantsa ng aking kahibangan

aninong sumusunod sa akin sa kung saan

 

lahat sa guni-guning ayaw ko nang dinggin

lahat ng mga salitang walang kabig-sabihin

lahat ng napiping sigaw sa damdamin

walang-humpay na bumabalik sa iyo at sa akin.

 

 

 

 

 

 

 

 


naisulat noong ika-03:53 am ni toi raquiza
kamusta ang pag-gala?  




Saturday, March 17, 2007
durog

 

 

nagkalat na ang ilang daan-libong piraso ng sarili ko sa mundo.

walang paglagyan ang mga himay-himay

at gula-gulanit na hibla kahit saang espasyo.

 

kaya kung may pait ang luha ng ulan

at malamlam ang liwanag ng buwan

kung may lamig ang ihip ng hangin at ang ulap ay makulimlim

'pag tanto mo'y limutin man kita'y

nakabayubay lang sa kung saan-saan

ang hapding dumurog sa puso kong hindi ko na nakayanan.

 

 

 

 

 

 

 


naisulat noong ika-04:33 pm ni toi raquiza
(6) ang naligaw at nawala  




Thursday, March 08, 2007
pangkasalukuyang masokismo

 

sa ngayon --

dadamahin ko muna nang lubos

ang sakit ng wala ka na

hahayaan ko munang maubos

ang pagpatak nitong luha

kahit naman magtago at hindi magpakita

pinupuno rin ng unos

ang puso ko at ang diwa.

magpapatangay ako sa agos

ng malupit na tadhana

di minsan nang dumausdos

isang baliw, isang tanga

malayo naman akong malagutan ng hininga.

 

 

nanamnamin ko muna ng husto

ang lamig ng iyong pamamaalam

ang pagbitak ng puso ko

gusto ko munang masaksihan.

magpapakalunod muna ako

ngayon sa aking kabaliwan

hahayaan muna ang mundo

mapuno ng lugmok at kalungkutan

kakayanin ko muna ang ganito

hanggang wala nang maramdaman

baka bukas, paggising ko

napagod na ako ng tuluyan.

 

 

 

 

 

 

 


naisulat noong ika-07:21 pm ni toi raquiza
(2) ang naligaw at nawala  




Tuesday, February 27, 2007
madalas (isang hiram na tula)

 

madalas

itinutulog ko na lang ang lungkot

at iniiidlip ang pangungulila

dahil

nais kong mamasyal muna sa panaginip

at makatakas sa mga luha

ngunit

sadyang kay haba ng araw

at nabibitin na lamang ang magdamag

kung

dadayain ko naman ang kamalayan

at lalaboy sa daigdig ng gunam-gunam

malamang

walang pinagkaiba sa realidad--

ikaw pa din ang mamamahay sa aking balintataw

madalas

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


 

hindi ko rin lubusan maintindihan.  kung bakit nais ko mang umalis at magpakalayo-layo ay natatagpuan ko ang sariling namamasyal sa iyong mga alaala o dili naman ay natatagpuan ka ng aking mga mata kahit saan pa ako tumitig o tumulala.

 

 

 

ang obrang ito ay gawa ni mareng Elaine. 

saksihan ang mundo niya sa xanga.com/ilovehoney07

kuhang-kuha ng tulang ito ang buod ng ilan sa mga giyera ng puso ko. 

salamat at maraming akap para sa iyo, mareJ ::

 

 


 

 

 


naisulat noong ika-08:53 pm ni toi raquiza
(2) ang naligaw at nawala  




Next Page

luneta
April 8th 1982  (Age 39)
Female
Philippines





maliit na buwan.

ang mundong ito ay kaugnay ng www.toiluna.blogdrive.com.
pakiwari ko'y masyado nang masikip ang kinagisnan kong espasyo. at napakarami na ring mata ang nakabantay rito. mahirap pa lang kumilos nang maraming nag-aabang. mahirap pa lang uminog kapag gusto mong magdahan-dahan.

hihinto muna ako dito.
















*HUGS* TOTAL! yakapin ang toio
maraming AKAP dito




   





<< November 2021 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03 04 05 06
07 08 09 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30




SLIPPIN' AWAY
Cynthia Alexander

::did what you wanted me to::to try and make you mine::tried to make you stay i gave it all away::but there you go into the wild open::slippin' away:::tried to make you feel::what lovin' ought to feel::for you it's not the same::you threw it all away::so there you go into the wild open::slippin' away::you're slippin' away from me::slippin' away::so how was i to know::easy come, easy go::there ain't no stoppin' you::let wild rivers flow::so there you go into the wild open::slippin' away::you're slippin' away from me::




















pakiusap

'wag ka sanang mamihasang
narito lang ako sa tabi mo.
'wag mo sanang isiping
malayong magkandarapa ako
o matunaw sa mga tingin mo.
'wag ka sanang masanay
na okay lang ako-
na okay lang tayo
na okay lang ang lahat ng ito.
'wag mo sanang akalaing
kaya ko pang manatiling
normal
at natural
at hindi apektado.
'wag mo sanang paniwalaang
bilog pa rin ang mundo--
'wag ka sanang makampanteng
'walang nagbabago.


::naisulat mga 2 taon na ang nakakaraan::













:: BURNOUT ::
by Sugarfree


O wag kang tumingin ng ganyan sa kin:: wag mo akong kulitin wag mo akong tanungin:: Dahil katulad mo ako rin ay nagbago:: di na tayo katulad ng dati kay bilis ng sandali:: O kay tagal din kitang minahal ::Kung iisipin mo di naman dati ganito:: teka muna teka lang kailan tayo nailang:: Kung iisipin mo di naman dati ganito:: kay bilis kasi ng buhay pati tayo natangay:: O kay tagal din kitang minahal:: Tinatawag kita sinusuyo kita:: di mo man marinig di mo man madama:: O kay tagal din kitang mamahalin::





::MULI::
::ni Ramon Jacinto::


::sinasabi ko sa 'yo::
::na wala kong daramdamin::
::kung ikaw ay lumayo::
::at hindi na ako mahalin::
::sa paghulog ng luha::
::ako ngayon ang may dusa.::


::kung ang isip mo'y hindi::
::hindi na tayo magmamahalan::
::paalam na hanggang muli::
::pagsikat ng araw dito sa lansangan::
::hanggang sa kamatayan::
::pag-ibig ko'y walang hanggan.::


::kung ako ang s'yang masusunod::
::hihingin ko ang pangako mo::
::na hindi ka iibig muli.::









::punyetang tanong::

Anong sakit ba?
pait o galit
poot o lungkot
o bigat ang dinulot
ng buhay ko
sa buhay mo
sa puso mo
sa buong pagkatao mo--
na kaya mong itapon,
ibaon at ipalamon
sa apoy ng mga alon
sa lamig ng kahapon,
na kaya mong lumimot at limutin
umikot at paikutin
tuyuin ang damdamin--
nang ganun-ganun na lamang
nang sumandalian lang
nang parang walang pakialam
at parang walang pakiramdam
ang buhay ko
ang puso ko
at ang buong pagkatao ko...?

::sinulat ko noong
ika-16 ng Hunyo, 2003::














ANG WALANGHANGGAN
NI REBECCA T. ANONUEVO

Hindi pa natatapos
Ang ikinukuwento ko'y
Tumatalikod ka na.
Nakapagtataka tuloy
Nang minsan
Ay nanatili kang nakaupo,
Nakatitig sa akin
(O akala ko'y sa akin)
'Yun pala'y malalim
Ang buntong panimdim--
Umuukilkil
Ang talinghaga niya
At sa wari mo'y
Nabihag ka


At sa wari ko'y

Nagpahabag ako
Sa sandali
Sakmal ang pusong
Nagbitak.

Ilang ulit
Ang ganitong tagpo
Ng sugat na sinasamyo.
Halos mapugto
Ang hininga ko
Tuwing dadantay
Ang dagta ng dilim
Ang ligwak ng lamig
Ang bugso ng bangis.
Ngunit aking nasubukan:
Hindi ako namatay
Hindi ako namamatay
Hindi ako mamamatay
Ibigin man kita, ikaw lang,
kahit pa magtaksil ka o lumisan
Nang makapitong-daan
Hindi ko ikamamatay

Di man mamatay
Ang pag-ibig ko sa'yo.











:: KABILUGAN NG BUWAN ::
::APO Hiking Society::


kapanahunan na naman
ng paglalambingan
at kasama kitang mamasyal
sa kung saan
kabilugan ng buwan
at ang hangin ay may kalamigan
aakapin kita mahal ko
sa buong magdamag

pagmamahalan lang naman
ang mararanasan
sa sariling mundo
tayo lang ang may alam
KABILUGAN NG BUWAN
AT ANG HANGIN AY MAY KALAMIGAN
aakapin kita mahal ko
sa buong magdamag

halina’t pakinggan
ang awit na dala ng pag-ibig
MASAYA ANG MUNDO
PAG KAPILING KITANG GANITO
huwag kang hihiwalay at ang
puso ko’y maligaya
lapit na, o lapit pa














BE CAREFUL WITH MY HEART
::TRACY CHAPMAN::

you and your sweet smile
you and your tantalizing ways
you and your honey lips
you and all the sweet things that they say
you and your wild wild ways
One day you just up and walked away
you left me hurting
But I can forgive you for that now
you taught me something
Something took half my life to learn
When you give all yourself away
just tell them to be careful of your heart
Be careful of my heart,
be careful of this heart of mine
It just might break and send some splinters flying
be careful of my heart,
be careful
you took my love
thought you took it all
you took my love
and now you're gone
but I'm not breaking down
and I'm not falling apart
I just lost a little faith
when you broke my heart
given a chance
I might try it again
but I wouldn't risk it all this time
I'd save a little love for myself
enough for my heart to mend
A little love for myself
one day I just might love again
One day some sweet smile might turn my head One day I just might give all myself away











SALAMAT

sa pagdalaw, pagsubaybay at pagbisita.

 

TAE ang mga PIRATA:p

RESPETO LANG, PEACE!

 

@copyright.toiraquiza/LUNETA.2007















Contact Me

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




rss feed