luneta



mamasyal ka sa aking mundo.
kung gusto mong magpakalayo.
hawakan ang mga kamay ko
sa kisapmata¡¦y maglalaho.







ang bawat salitang di ko masabi'y dinaraan ko na lang sa buntunghininga
ang bawat pag-guho ng mundo'y dumadaloy na lang sa pagtulala
ang kabaliwang angkin ay nalulunod na lamang sa lalim ng aking mga mata
pinagta-tagpi-tagpi ang sarili sa kapangyarihan ng mga tula.


These Words I Write Keep Me from Total Madness
:: Charles Bukowski ::




Wednesday, May 30, 2007
::HINDI KO NAMAN KAYO IIWANAN::

 

 

ito na ang huling marka ng paglalakbay ko

dito sa luneta.

pero--hindi ko naman kayo iiwanan.:)

 

 

patuloy pa rin ang pag-inog ng aking mundo sa

www.toiluna.blogdrive.com

 

 

hayaan niyong ibahagi ko sa inyo ang isang akdang naisulat

ni Kimpot sa http://ilovethetalking.blogspot.com/

 

hindi ko personal na kilala si Kimpot,

pero matapos kong mabasa ang sinulat niya,

pakiwari ko'y matagal na kaming magkaibigan.

nakakataba ng puso at nagbigay ng ngiti sa aking mukha

ang naisulat niyang ito.

 

 

 

 

 

dalawin niyo rin ang mundo niya sa

99redballoonsgoby.blogdrive.com.

maraming salamat, Kimpot!  mabuhay ka!

 

 

 

 

 

 


 

I have a theory that every time you make an important choice,

the part of you left behind continues the other life you could have had.

 

Some people's emanations are very strong. 

Some people create themselves afresh outside of their own body.

 

There's a chance that I'm not here at all, that all the parts of me,

running along all the choices I did and didn't make,

for a moment brush against each other.

 

Jeanette Winterson

 


 

 

 

 

 

 

 

 


naisulat noong ika-01:41 am ni toi raquiza

ls
June 12, 2007   04:52 AM PDT
 
pambihira nung tinipa niya yung gitara at kinanta niya yan walanjo nasa linyang "Why am I hanging around in the rain out here
Trying to pick up a girl
Why are my eyes filling up with these lonely tears
When there're girls all over the world" napalapit yung babae dun sa guy at hayon nag seks sila :D :))

makakatagpo mo rin kung sino man siya sana mas tao mas mabait mag juapo :)*humming*hmmm hmmmm hmmmm *high notes*
toi
June 11, 2007   04:11 PM PDT
 
heya LS:) salamat sa pag-share mo ng kanta na yan:) napangiti ako habang binabasa ko yung mga linya nung kanta..may ngiti pero parang ang lungkot...ang hirap maghanap noh!...minsan, naiinip na ako o napapagod..haay:( bahala na...darating rin sya:)
toi
June 9, 2007   09:01 PM PDT
 
heya kimpot:) maraming salamat ulit;)
kimberley
June 8, 2007   11:59 PM PDT
 
Toi, kamusta naman? Tinalo mo ang entry ko. Haha. Salamat!! Tulad ng sabi ko, nakakahiyang nakakatuwa! At final entry pa ha? Hehe. Salamat ulit :)
toi
June 8, 2007   09:08 PM PDT
 
heya ls:) naks. bagong gupit ka:) salamat sa pagdalaw...ako ay nagpapatuloy pa rin -- sa pagsusulat, sa buhay;) astig lang...di ko pa napanood...pero sige, may chance:)
ls
June 8, 2007   12:30 PM PDT
 
pssst kumusta?ako medyo medyo :)nagpagupit ako na pang pang summer look mwehehe kaya napadalaw ako d2 hehe bagong hairdo di na ako long hair :D

napanood mo na ba yung stranger than fiction kakapanood ko kasi nung isang gabi maganda cya try mo din if ever di mo pa napapanood.

magpatuloy ka.
 

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments







Previous Entry Home

luneta
April 8th 1982  (Age 39)
Female
Philippines





maliit na buwan.

ang mundong ito ay kaugnay ng www.toiluna.blogdrive.com.
pakiwari ko'y masyado nang masikip ang kinagisnan kong espasyo. at napakarami na ring mata ang nakabantay rito. mahirap pa lang kumilos nang maraming nag-aabang. mahirap pa lang uminog kapag gusto mong magdahan-dahan.

hihinto muna ako dito.
















*HUGS* TOTAL! yakapin ang toio
maraming AKAP dito




   





<< May 2007 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03 04 05
06 07 08 09 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31




SLIPPIN' AWAY
Cynthia Alexander

::did what you wanted me to::to try and make you mine::tried to make you stay i gave it all away::but there you go into the wild open::slippin' away:::tried to make you feel::what lovin' ought to feel::for you it's not the same::you threw it all away::so there you go into the wild open::slippin' away::you're slippin' away from me::slippin' away::so how was i to know::easy come, easy go::there ain't no stoppin' you::let wild rivers flow::so there you go into the wild open::slippin' away::you're slippin' away from me::




















pakiusap

'wag ka sanang mamihasang
narito lang ako sa tabi mo.
'wag mo sanang isiping
malayong magkandarapa ako
o matunaw sa mga tingin mo.
'wag ka sanang masanay
na okay lang ako-
na okay lang tayo
na okay lang ang lahat ng ito.
'wag mo sanang akalaing
kaya ko pang manatiling
normal
at natural
at hindi apektado.
'wag mo sanang paniwalaang
bilog pa rin ang mundo--
'wag ka sanang makampanteng
'walang nagbabago.


::naisulat mga 2 taon na ang nakakaraan::













:: BURNOUT ::
by Sugarfree


O wag kang tumingin ng ganyan sa kin:: wag mo akong kulitin wag mo akong tanungin:: Dahil katulad mo ako rin ay nagbago:: di na tayo katulad ng dati kay bilis ng sandali:: O kay tagal din kitang minahal ::Kung iisipin mo di naman dati ganito:: teka muna teka lang kailan tayo nailang:: Kung iisipin mo di naman dati ganito:: kay bilis kasi ng buhay pati tayo natangay:: O kay tagal din kitang minahal:: Tinatawag kita sinusuyo kita:: di mo man marinig di mo man madama:: O kay tagal din kitang mamahalin::





::MULI::
::ni Ramon Jacinto::


::sinasabi ko sa 'yo::
::na wala kong daramdamin::
::kung ikaw ay lumayo::
::at hindi na ako mahalin::
::sa paghulog ng luha::
::ako ngayon ang may dusa.::


::kung ang isip mo'y hindi::
::hindi na tayo magmamahalan::
::paalam na hanggang muli::
::pagsikat ng araw dito sa lansangan::
::hanggang sa kamatayan::
::pag-ibig ko'y walang hanggan.::


::kung ako ang s'yang masusunod::
::hihingin ko ang pangako mo::
::na hindi ka iibig muli.::









::punyetang tanong::

Anong sakit ba?
pait o galit
poot o lungkot
o bigat ang dinulot
ng buhay ko
sa buhay mo
sa puso mo
sa buong pagkatao mo--
na kaya mong itapon,
ibaon at ipalamon
sa apoy ng mga alon
sa lamig ng kahapon,
na kaya mong lumimot at limutin
umikot at paikutin
tuyuin ang damdamin--
nang ganun-ganun na lamang
nang sumandalian lang
nang parang walang pakialam
at parang walang pakiramdam
ang buhay ko
ang puso ko
at ang buong pagkatao ko...?

::sinulat ko noong
ika-16 ng Hunyo, 2003::














ANG WALANGHANGGAN
NI REBECCA T. ANONUEVO

Hindi pa natatapos
Ang ikinukuwento ko'y
Tumatalikod ka na.
Nakapagtataka tuloy
Nang minsan
Ay nanatili kang nakaupo,
Nakatitig sa akin
(O akala ko'y sa akin)
'Yun pala'y malalim
Ang buntong panimdim--
Umuukilkil
Ang talinghaga niya
At sa wari mo'y
Nabihag ka


At sa wari ko'y

Nagpahabag ako
Sa sandali
Sakmal ang pusong
Nagbitak.

Ilang ulit
Ang ganitong tagpo
Ng sugat na sinasamyo.
Halos mapugto
Ang hininga ko
Tuwing dadantay
Ang dagta ng dilim
Ang ligwak ng lamig
Ang bugso ng bangis.
Ngunit aking nasubukan:
Hindi ako namatay
Hindi ako namamatay
Hindi ako mamamatay
Ibigin man kita, ikaw lang,
kahit pa magtaksil ka o lumisan
Nang makapitong-daan
Hindi ko ikamamatay

Di man mamatay
Ang pag-ibig ko sa'yo.











:: KABILUGAN NG BUWAN ::
::APO Hiking Society::


kapanahunan na naman
ng paglalambingan
at kasama kitang mamasyal
sa kung saan
kabilugan ng buwan
at ang hangin ay may kalamigan
aakapin kita mahal ko
sa buong magdamag

pagmamahalan lang naman
ang mararanasan
sa sariling mundo
tayo lang ang may alam
KABILUGAN NG BUWAN
AT ANG HANGIN AY MAY KALAMIGAN
aakapin kita mahal ko
sa buong magdamag

halina’t pakinggan
ang awit na dala ng pag-ibig
MASAYA ANG MUNDO
PAG KAPILING KITANG GANITO
huwag kang hihiwalay at ang
puso ko’y maligaya
lapit na, o lapit pa














BE CAREFUL WITH MY HEART
::TRACY CHAPMAN::

you and your sweet smile
you and your tantalizing ways
you and your honey lips
you and all the sweet things that they say
you and your wild wild ways
One day you just up and walked away
you left me hurting
But I can forgive you for that now
you taught me something
Something took half my life to learn
When you give all yourself away
just tell them to be careful of your heart
Be careful of my heart,
be careful of this heart of mine
It just might break and send some splinters flying
be careful of my heart,
be careful
you took my love
thought you took it all
you took my love
and now you're gone
but I'm not breaking down
and I'm not falling apart
I just lost a little faith
when you broke my heart
given a chance
I might try it again
but I wouldn't risk it all this time
I'd save a little love for myself
enough for my heart to mend
A little love for myself
one day I just might love again
One day some sweet smile might turn my head One day I just might give all myself away











SALAMAT

sa pagdalaw, pagsubaybay at pagbisita.

 

TAE ang mga PIRATA:p

RESPETO LANG, PEACE!

 

@copyright.toiraquiza/LUNETA.2007















Contact Me

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




rss feed